Raisin Brunch Pancake
Ingredients
- 1/2 tasang pasas (california)
- 1/2 kutsaritang cinnamon
- 2 kutsarang asukal
- 2 itlog
- 3/4 na tasang buttermilk
- 1/2 kutsaritang soda
- 3/4 na tasang sinalang arina
- 1/2 kutsaritang baking powder
- 1/2 kutsaritang asin
- 1 1/2 tasang tinunaw na mantikilya
- butter cream raisin syrup
Instructions
- Ilagay sa mainit na tubig ang pasas para mamaga. Pagkaraan ng 5 minuto, patuluin. Patuyuin sa papel na lumilihitit. Ihalo ang cinnamon na may halong 1 kutsarang asukal.
- Ihiwalay ang mga puti ng itlog sa pula. Batihing mabuti ang mga puti ng itlog. Ihalo ang 1 kutsarang asukal at batihing muli.
- Batihin mabuti ang mga puti ng itlog. Ihalo ang 1 kutsarang asukal at batihing muli. Batihin din ang mga pula ng itlog hanggang maging krema.
- Ihalo ang buttermilk at soda. Isama ang arinang sinalang kasama ang baking powder at asin. Ihalo ang mantikilya. Ihalo nang pabalot ang mga uti ng itlog at pasas na balot ng cinnamon.
- Ihurno sa griller na pinahiran ng kaunting mantika. Biluhin at panatilihing mainit samantalang nasa parilya ng pugon. Huwag pagpapatung-patungin. Ihaing may kasamang butter cream raisin syrup.
No comments:
Post a Comment