Native Turnover Medley cake
Ingredients
Pang-Ibabaw
- 1/2 tasang kinayod na niyog
- 1/2 tasang margarina
- 2/3 tasang pulang asukal
- 1/4 na tasang binayo at tinustang linga
Para sa Cake
- 1 1/2 tasang sinalang arina
- 2 kutsaritang baking powder
- 1/4 na kutsaritang asin
- 1/3 tasang margarina
- 1 tasang asukal
- 2 itlog, huwag babatihin
- 1/2 tasang gatas na ebaporada, haluan ng tubig
- 1 kutsaritang vanilla
Instructions
- Ilagay ang kinayod na niyog sa pan (8x8x2). Tustahin hanggang pumula (sa mahinang apoy lamang ito isalang). Halu-haluin ng tinidor ang niyog samantalang nakasalang.
- Ihalo ang margarina. Tunawin. Paghaluin ang asukal at linga. Ikalat nang pantay sa ibabaw ng niyog. Itabi sandali.
- Salain nang tatlong ulit ang arina, baking powder at asin. Gawing krema ang margarina. Ihalong unti-unti ang asukal. Haluin nang haluin.
- Isama isa-isa ang itlog. Batihin pagkakahalo ng bawa't isa. Isama ang mga tuyong sangkap nang halinhinan ang gatas at vanilla.
- Haluing mabuti. Isalin sa iabbaw ng niyog na nasa pan. Ihurno sa pinainit na pugon (350°F ang init) at patagalin ng 45 minuto ang paghuhurno. Baligtarin ang pan. Palamigin.
No comments:
Post a Comment