Banana-Butter Cake
Ingredients
- 2 tasang arina
- 2/3 tasang mantika
- 3/4 na tasang saging, masahin
- 1 kutsarang baking powder
- 1/2 kutsaritang asin
- 1 tasang gatas na ebaporada
- 1 tasang asukal
- 2 itlog
Instructions
- Masahing mabuti ang saging. Ihalo ang mga 1/4 na tasang gatas para maiwasan ang pangigitim ng saging. Itabi sandali.
- Salain at sukatin ang arina. Ihalo ang baking powder at asin. Salaing muli ng 2 ulit. Sukatin ang asukal. Itabi sandali.
- Gawing krema ang mantika, sa loob ng 2 minuto saka isama 2/3 tasang asukal. Isama ang mga pula ng itlog. Ipagpatuloy ang paghahalo para sa kremang-krema.
- Isama nang halinhinan ang arina at likidong mga sangkap. Ihalong una ang arina at ito rin ang ihalong huli sa dalawa. Isama ang minasang saging.
- Batihin ang mga puti ng itlog. Ihalo ang natitira pang asukal. Batihing mabuti. Ihalo nang pabalot ang mga puti ng itlog sa unang pinagsama-samang mga sangkap., Ilagay sa pan na may saping wax paper. Ihurno sa pugong may 250°F ang init sa loob ng 35-40 minuto (para sa 16 na paghahain)
No comments:
Post a Comment