Pili Brownies
Ingredient
- 3 kutsrang margarina
- 1/2 tasang peanut butter
- 1 tasang asukal
- 1 buong itlog
- 1 tasang arina
- 2 kutsaritang baking powder
- 1/2 kutsaritang baking soda
- 1/4 na tasang gatas na ebaporada (haluan ng tubig)
- 2 tasang pili tadtarin nang pino
Instructions
- Gawing krema ang margarina at peanut butter. Ihalo ang asukal nang unti-unti lamang. Ipagpatuloy ang paghahalo hanggang maging kremang-krema. Ihalo ang itlog. Haluing mabuti.
- Salaing magkakasama ang arina, baking powder at baking soda. Isama nang halinhinan ang gatas at mga tuyong sangkap sa unang pinaghalu-halong mga sangkap.
- Ihalo nang pabalot ang pili. Ilagay sa cookie press o kaya'y papatakin nang kutsa-kutsarita sa cookie sheet (huwag papahiran ng mantika)
- Ihurno sa pugong may 350°F ang init at patagalin ng 11 minuto. ang paghuhurno (3 dosenang pili brownie ang lalabsan nito)
No comments:
Post a Comment