Ingredients
- 1 3/4 na tasang sinalang arina
- 1 tasang asukal
- 2 kutsaritang baking powder
- 1/2 kutsaritang nutmet
- 1/2 tasang mantikilya
- 3/4 na tasang gatas
- 3 itlog
- 1/2 kutsaritang asin
- 1/2 kutaritang vanilla
Instructions
- Painitin muna ang pugon sa 350°F ang init. Pahiran ng mantika ang dalawang cake pan na may 8 pulgadang laki.
- Salain sa mangkok ang asukal, arina, baking powder, asin at nutmet. Ihalo ang mantikilya ta gatas. Batihuin sa loob ng 1 minuto sa electric mixter at 300 istrok kuhng kamay ang gagamitin.
- Ihalo ang dalawang buong itlog, 1 puti ng itlog at vanilla. Batihing muli sa loob ng 1 minuto o ng 300 istrok.
- Isalin sa mga inihandang pan. Ihurno ng 25-30 minuto o hanggang maluto. Alisin sa pan. Palamigin sa parilya. lagyan ng lemon frosting.
Ingredients
- 1 paketeng (3 onsa) Royal Cherry Gelatin
- 1 tasang kumukulong tubig
- 1 tasang malamig na tubig
- 1 tasang heavy cream, batihin
- 1 tasang macaroons, durugin
- 1/2 tasang milk chocolate candy bars, durugin
- 6 na kudradong milk chocolate candy bar
Instructions
- Tunawin sa kumukulong tubig ang gulaman. Ihalo ang malamig na tubig. Isalin sa kudradong cake pan (9 pulgada). Palamigin hanggang mabuo
- Bago ihain, paghalu-haluin ang binating krema, macaroons, dinurog na tsokolateng kendi.
- Kudra-kudraduhin ang gulaman. Kutsarahin ang kalahati nito sa 6 na parfait glasses. Lagyan ng kalahating binating krema at mga kasamang sangkap.
- Ulitin ang ganitong paghahanda hanggang maubos ang gulaman at krema. Gayakan ng isang kudradong tsokolate ang ibabaw ng bawa't baso. (para sa 6 na paghahain.)
Ingredients
- 1 7/8 tasang arina
- 3 kutsaritang baking powder
- 1 kutsaritang asin
- 5 kutsarang nilutong bacon
- 2 kutsarang asukal
- 1 tasang gatas
- 4 na kutsarang bacon fat
- 2 itlog, batihin nang bahagya
Instructions
- Iprito ang bacon. Patuluin ang mantika. Pagsama-samahin ang mga tuyong sangkap. Salain. Isama ang gatas at mantika ng bacon sa mga itlog. Pagkatapos ay isama sa arina.
- Ihalo ang nilutong bacon. Haluin hanggang sa mabasa ang arina. Kutsarahin ito sa muffin pan (3/4 lamang ng sisidlan) na pinahiran ng mantikilya.
- Ihurno sa pugong may 400°F ang init. Pagkaraan ng 30-35 minuto o mahigit pa, hanguin. (para sa 12 muffin)
Ingredient
- 1/2 tasang pasas
- 2 kutsarang mantikilya
- 1 1/2 kutsaritang cornstarch
- 1/4 na tasang asukal
- 1/4 na tasang dark corn syrup
- whipping cream
Instructions
- Pagsama-samahin ang pasas, mantikilya, cornstarch, asukal, corn syrup at whipping cream.
- Isalang sa mahinang paoy sa loob ng 3-4 na minuto. (3/4 na tasa ang lalabsan nito). Ihaing kasabay ng raisin brunch pancake.
Ingredient
- 3 kutsrang margarina
- 1/2 tasang peanut butter
- 1 tasang asukal
- 1 buong itlog
- 1 tasang arina
- 2 kutsaritang baking powder
- 1/2 kutsaritang baking soda
- 1/4 na tasang gatas na ebaporada (haluan ng tubig)
- 2 tasang pili tadtarin nang pino
Instructions
- Gawing krema ang margarina at peanut butter. Ihalo ang asukal nang unti-unti lamang. Ipagpatuloy ang paghahalo hanggang maging kremang-krema. Ihalo ang itlog. Haluing mabuti.
- Salaing magkakasama ang arina, baking powder at baking soda. Isama nang halinhinan ang gatas at mga tuyong sangkap sa unang pinaghalu-halong mga sangkap.
- Ihalo nang pabalot ang pili. Ilagay sa cookie press o kaya'y papatakin nang kutsa-kutsarita sa cookie sheet (huwag papahiran ng mantika)
- Ihurno sa pugong may 350°F ang init at patagalin ng 11 minuto. ang paghuhurno (3 dosenang pili brownie ang lalabsan nito)
Ingredients
- 3/4 cup shortening
- 3/4 cup sugar
- 2 eggs
- 2 1/4 cup all purpose flour
- 1 tsp. baking powder
- 1/2 tsp. salt
Instructions
- Mix shortening sugar and eggs. Stir flour, baking powder and salt and blend in. Pass through a cookie press. Bake for 10-15 minutes at 350 degrees F.
Ingredients
- 1 pkg. Dessicated coconut
- 3 eggs
- 1 (big) can condensed milk
- � cup white sugar
- 1 tsp. Vanilla
Instructions
- Beat eggs. Add all ingredients. Blend well. Fill in paper cups and bake for 15 minutes in a preheated oven at 275 degrees F oven at 275 degrees F temperature