Saturday, October 8, 2011

Holiday Cookies


Ingredients

  • 3/4 na tasang pulot
  • 3/4 na tasang asukal
  • 3/4 na tasang mantikilya
  • 1 itlog
  • 2 tasang sinalang arina
  • 1 kutsaritang asin
  • 1 kutsaritang cinnamon
  • 1/2 kutsaritang soda
  • 2 tasang hilaw na rolled oats
  • 1 tasang pasas

Instructions

  1. Gawing krema ang pulot, asukal, mantikilya at itlog. Salaing magkakasama ang arina, asin, cinnamon at soda. Ihalo sa krema. Isama rin ang rolled oats at pasas.
  2. Papatakin ito nang kutsa-kutsarita sa cookie sheet na pinahiran ng mantika. Ihurno sa pugong may katamtamang init.
  3. Pagkaraan ng 12 hanggang 14 na minuto o kung mapula na, Hanguin. Palamigin. (4 na dosena ang lalabsan nito).

No comments:

Post a Comment