Saturday, October 8, 2011

Cherry Macaroon Parfaits


Ingredients

  • 1 paketeng (3 onsa) Royal Cherry Gelatin
  • 1 tasang kumukulong tubig
  • 1 tasang malamig na tubig
  • 1 tasang heavy cream, batihin
  • 1 tasang macaroons, durugin
  • 1/2 tasang milk chocolate candy bars, durugin
  • 6 na kudradong milk chocolate candy bar

Instructions

  1. Tunawin sa kumukulong tubig ang gulaman. Ihalo ang malamig na tubig. Isalin sa kudradong cake pan (9 pulgada). Palamigin hanggang mabuo
  2. Bago ihain, paghalu-haluin ang binating krema, macaroons, dinurog na tsokolateng kendi.
  3. Kudra-kudraduhin ang gulaman. Kutsarahin ang kalahati nito sa 6 na parfait glasses. Lagyan ng kalahating binating krema at mga kasamang sangkap.
  4. Ulitin ang ganitong paghahanda hanggang maubos ang gulaman at krema. Gayakan ng isang kudradong tsokolate ang ibabaw ng bawa't baso. (para sa 6 na paghahain.)

No comments:

Post a Comment